DAGUPAN CITY- Sinimulan nang buksan ang IFEX 2026 sa lalawigan ng Pangasinan ang taunang paghahatid ng oportunidad sa mga Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs) at maipagmalaki ang lokal na mga produkto.

Ayon kay Dr. Arlyn Grace Guico, Founder ng Project Abound, layunin nito na mabigyan ng kaalaman ang mga negosyante sa pagpapabunti ng kani-kanilang produkto.

Binigyan halaga niya ang pagiging ‘world class’ ng mga produkto at sa kasalukuyan, may natutulungan na silang mga negosyante na makapag-export.

--Ads--

Laking pasasalamat ni Dr. Guico, Founder sa buong suporta na ibinigay ng pamahalaang panlalawigan.

Umaasa sila na mas lalawak pa ito at buong tinatawagan nila ang iba pang mga negosyante na sumali.

Samantala, ikinatuwa rin ni Department of Trade Industry (DTI) Region 1 Dir. Natalia Dalaten ang patuloy na pagsuporta ng pamahalaan panlalawigan sa mga MSMEs.

Aniya, nagkaroon na ng ordinansa upang maging ‘institutionalized’ ang pagsali ng lalawigan sa International Exhibit and Fairs.

Hindi rin nawawala ang pagtulong ng ahensya, partikular na sa laboratory analysis at product labeling, para sa mga lumalahok na negosyo.

Bukod pa riyan, nagbibigay sila ng mg seminars upang mapanatili ang magandang rekord ng mga produkto.

Binigyan diin naman ni Gov. Ramon “Monmon” Guico III ang direktang tulong na hatid nito upang maibenta rin ang produkto ng lokal na agrikultura.

Nabanggit din ng gobernador ang kagustuhan nitong makapagbukas ng ganitong pagkakataon sa munisipalidad ng Manaoag.

Ito ay dahil sa madalas bisitahin ng mga turista ang nasabing munisipalidad.