Dagupan City – Ngayong araw na ang huling araw ng implementasyon ng service contracting program.
Ayon kay Bernard Tuliao, Presidente ng One Pangasinan Transport Federation, gayunman, nilinaw niya na hindi agad maisasagawa ang pagbabayad kaugnay ng nasabing programa.
Dagdag pa niya, hindi kabilang sa service contracting program ang mga traditional jeepney.
Aniya, mas malaking porsyento ng mga senior citizen ang nakikinabang dito.
Samantala, kabilang naman ang mga traditional jeepney sa subsidy program kung saan mayroong ₱10 diskwento sa piling mga gasoline station.
Ipinaliwanag din na nagbigay ang LTFRB ng mga plate number para sa iba’t ibang ruta na siyang chine-check ng mga gasoline station upang matiyak na lahat ng benepisyaryo ay mabibigyan ng subsidy.
Sa kabila naman ng patuloy na nararanasang matinding init ng panahon, patuloy ang paalala ng kanilang tanggapan sa publiko na manatiling hydrated upang maiwasan ang anumang banta ng heat-related illnesses.










