DAGUPAN CITY- Ipinauubaya muna ng mga kaanak ng kababayang si Jenny sa Department of Migrant Workers (DMW) ang ilang mga hakbang upang malaman kung ano nga ba ang totoong dahilan ng pagkasawi nito.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Gina Fabaiano Ren, Deputy Secretary ng Samahan ng mga DH sa Gitnang Silangan, naging mahirap para sa pamilya ni Jenny ang sinapit ng kanilang kamag-anak.

Aniya, ipoproseso muna ang lahat upang maumpisahan ang imbestigasyon sa totoong nangyari sa nasabing kababayan habang nasa Kuwait.

--Ads--

Dagdag niya, ramdam din sa mga kapamilya ni Jenny ang kaba ay pangamba nang siya ay maiuwi sa Pilipinas dahil sa nangyaring insidente kamakailan.

Samantala, hindi naman nakakikitaan ng senyales ng soffucation ang bangkay, ngunit makikita sa kaniyang katawan ang ilang mga pasa.

Sa ngayon, napagkasunduan ng kanilang pamilya na ilibing ang labi ni Jenny upang makamit nito ang tamang himlayan para sa kaniya.