Hindi bababa sa 28 ang nasawi sa Rufaida al-Aslamia school sa central Gaza strip nang matamaan ito ng air strike mula Israel.

Ayon sa Palestinina Red Crescent, higit 50 naman ang sugatan sa pag-atake. Anila, ito ay malapit laman saa kanilang headquarters sa bayan ng Deir al-Balah.

Sinabi naman ng militar ng Israel na ang loob ng naturang paaralan ay “command-and-control centre” ng mga Hamas fighters.

--Ads--

Saad pa nila na ang pag-atake ay kanilang hakbang upang pababain ang pinsala sa mga sibilyan at akusahan ang Hamas sa pag abuso sa mga imprastrakturang pansibilyan.

Mariin naman itong itinanggi ng Hamas.

Samantala, tinawag naman ito ng Hamas-run health ministry na panibahong massacre ng mga Israeli Military.