Nag-walkout ang ilang miyembro ng Minority Bloc sa Senado matapos ang mosyon ni Senador Rodante Marcoleta na payagan ang isang kasamahang senador na makadalo sa sesyon sa pamamagitan ng video conference.
Dito ay iginiit ni Marcoleta na dapat bigyan ng konsiderasyon ang naturang senador upang makalahok sa mga deliberasyon kahit hindi pisikal na nakadalo sa plenaryo.
Kabilang sa posibleng makikinabang rito si Sen. Ronald dela Rosa kapag naaprubahan.
Ngunit tinutulan ito ng ilang miyembro ng oposisyon, na nagsabing maaaring magbukas ng precedent ang naturang hakbang at makompromiso ang integridad ng mga sesyon.
Bunga ng pagtutol, nagdesisyon ang ilang senador mula sa Minority Bloc na mag-walkout bilang protesta sa mosyon.
Ang insidente ay nagdulot ng mainit na talakayan sa loob ng Senado hinggil sa paggamit ng teknolohiya sa mga opisyal na deliberasyon at kung paano ito makaaapekto sa mga umiiral na panuntunan ng institusyon.










