Iginiit ni Bacolod Rep. Albee Benitez na dapat munang mag-leave of absence si Department Public Works and Highways (DPWH) Sec. Manuel Bonoan.
Ani Benitez, ito ay paraan ng pagpapakita ng delicadeza sa gitna ng mga sablay na flood control projects sa buong bansa sa ilalim ng DPWH.
Dito na niya binigyang diin na ang pagliban sa trabaho ni Bonoan ay daan para mapanatili ang integridad ng mga imbestigasyong ikakasa ukol sa mga palpak na proyektong pipigil sana sa pagbaha.
--Ads--
Samantala nanindigan naman si Benitez na hindi ito pabor na DPWH mismo ang mag-audit at magreview sa sarili nitong performance kaugnay sa mga naisagawa at hindi pa natatapos na flood control projects simula nang magsimula ang Marcos Jr. administration noong 2022.