Dagupan City – Masiglang ipinagdiwang sa Barangay Lasip Chico sa Dagupan City ang taunang Lechon Festival bilang bahagi ng pista ng komunidad, kung saan tampok ang tradisyunal at masaganang paghahanda ng mga lechon na nagsilbing pangunahing atraksyon ng okasyon.

Nakiisa sa pagdiriwang ang mga residente at mga bisita mula sa karatig-lugar.

Bukod sa tampok na lechon, nagkaroon din ng iba’t ibang aktibidad tulad ng salu-salo sa bawat lamesa.

--Ads--

Layunin ng pagdiriwang na mapanatili ang mayamang kultura ng barangay.

Dumalo rin sa pagdiriwang ang Punong Barangay ng Lasip Chico na si Kapitan Aldwin Dexter Meneses, na nanguna sa pagtanggap sa mga panauhin at aktibong nakibahagi sa mga programa ng pista.

Nakiisa rin ang Pamahalaang Lungsod ng Dagupan sa pangunguna ni Mayor Belen Fernandez, na nagpakita ng buong suporta sa mga gawaing pangkomunidad.

Sa kanilang mensahe, binigyang-diin ang kahalagahan ng pagpapanatili ng mga tradisyon tulad ng Lechon Festival bilang simbolo ng pasasalamat, pagbabahagi, at pagkakaisa.