Nahati ang katawan ng isang drayber ng motorsiklo matapos na nasagi ng truck sa kahabaan ng Barangay Tulong sa lungsod ng Urdaneta.
Ayon kay Timothy Khryz Verceles, SK Kagawad ng Barangay San Vicente & Fire Volunteer, BFP Urdaneta City, sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan, binabagtas umano ng truck ang daan patungong Urdaneta Proper at patungo naman ang motorsiklo sa bayan ng Binalonan at nagtangkang mag overtake.
Dalawang motorsiklo umano ang mag oovertrake kung saan isa rito ay nasagi ng truck.
Pumailalim ang motorsiklo sa truck at nakaladkad hanggang sa bahagi ng TPLEX hanggang sa kaya sanhi ng pagkahati ng katawan ng driver nito at pagkasunog ng truck.
Nirespondehan agad ito ng BFP Urdaneta, PNP Urdaneta,at BFP Binalonan.
Ligtas naman ang driver ng truck at kasama nito ngunit nasawi ang driver ng motorsiklo at dinala sa malapit na pagamutan ang kanyang angkas.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang malalim na imbestigasyon sa nangyaring aksidente.
Mensahe ni Verceles sa mga rider na mag ingat at huwag mabilis sa pagmamaneho upang iwas sa disgrasya.










