DAGUPAN CITY- Tinupok ng apoy ang isang dalawang palapag na bahay sa isang subdivision sa Brgy. Tapuac sa lungsod ng Dagupan kung saan nagdulot ito ng alarma sa mga residente.
Ayon kay Fire Chief Inspector (FCInsp.)0 Michael John Escaño, Chief ng BFP Dagupan, nagsimula ang sunog sa pangalawang palapag ng nasabing bahay na pagmamay-ari umano ng Isang Indian National.
Aniya, mabilis na kumalat ang apoy dahil gawa sa light material ang ilang mga materyales nito.
--Ads--
Wala namang naitalang nasaktan sa insidente at nagdulot lamang ito ng pagka-alarma sa ialng mga mamamayan sa lugar.
Samantala, patuloy pa ring ang imbestigasyon ng BFP hinggil sa sanhi ng sunog at ang kabuuang danyos nito.