Tiniyak ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center ang patuloy nitong pakikipag-ugnayan sa Cybersecurity Bureau ng Department of Information and Communications Technology ukol sa ‘defacement’ o pagmamanipula sa Senate Website kamakailan.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo kay Undersecretary Renato ‘Aboy’ Paraiso, kanyang ibinahagi ang kanilang koordinasyon sa naturang kagawaran.

Ang Cybersecurity Bureau aniya raw kasi ng ahensiya ang siyang unang kumikilos sa tuwing may insidenteng katulad sa nangyaring ‘defacement’ ng Senate Website.

--Ads--

Kung saan prayoridad na matutukan muna ang pag-secure sa website ng gobyerno bago papasukin ang mga imbestigador katulad ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center.

Ayon kay Usec. Aboy, layon sa kanilang pag-iimbestiga na matingnan at malaman ang tunay na nangyari, sinu-sino ang mga gumawa, at kung papaano matutunton ang mga nasa likod ng insidente.