BOMBO DAGUPAN – Kumpiyansa si AJ Raval na hindi siya lolokohin at ipagpapalit sa iba ng karelasyon niyang si Aljur Abrenica.

Sa isang panayam sakanya natanong siya sa pagkakaroon ng maraming kapatid dahil sa amang si Jeric Raval.

Hindi inililihim ni Jeric sa publiko na isa sa may pinakamaraming bilang ng anak sa showbiz industry.

--Ads--

Tinatayang labinwalo (18) ang anak nito sa iba’t ibang babae.

Kasama ni AJ sa nasabing panayam ang amang si Jeric, stepmother na si Holiday, at dalawa pa niyang kapatid.

Dito naungkat ang pagiging babaero noon ni Jeric at pagiging mapagpatawad naman ni Holiday.

Ganunpaman, tiwala raw si AJ na hindi siya kayang saktan at ipagpalit ni Aljur dahil nakikita at nararamdaman daw niyang mahal na mahal siya nito.

Isa pa raw sa pinanghahawakan ni AJ ay ang mga sinabi sa kanya ni Aljur na natuto na ito sa kanyang pagkakamali nang mahiwalay sa estranged wife na si Kylie Padilla.