Dagupan City – Mas pinalakas pa ng Pamahalaang Bayan ng San Quintin ang mga hakbangin para sa patuloy na proteksyon at pagpapanatili ng kalinisan ng Lango-Lango River,
Ito ay bilang bahagi ng kanilang pangako na pangalagaan ang kalikasan at kapaligiran sa lugar.
Layunin ng nasabing inisyatibo na matiyak na mananatiling malinis at ligtas ang ilog, na isa sa mga mahahalagang likas na yaman ng bayan.
Kasabay nito, nanawagan ang pamahalaang lokal sa lahat ng mamamayan ng San Quintin o mga Quintinian na makiisa at maging responsable sa pamamagitan ng wastong pagtatapon ng basura at pagpapanatili ng kalinisan sa paligid ng mga daluyan ng tubig.
Ayon sa lokal na pamahalaan, malaki ang magiging ambag ng pagtutulungan ng mamamayan at ng pamahalaan upang maprotektahan ang mga ilog at iba pang likas na yaman para sa kasalukuyan at sa mga susunod pang henerasyon.









