Itinanggi ni Technical Education and Skills Development Authority (Tesda) Secretary and Director General Jose Francisco Benitez, ang paratang ni Senator Panfilo Lacson na nag-alok siya ng P5-milyon na allocation fund sa Senador.
Sinabi nito na wala siyang inutusan na mag-alok ng anumang alokasyon na nagkakahalaga ng P5-M sa nabanggit na Senador.
Dagdag pa nito na kaniyang hinahangaan ang pamumunuan ng Senador lalo na sa transparency at accountability.
Nagsasagawa na ito ng imbestigasyon sa nasabing alegasyon na ito ni Lacson.
Magugunitang ibinunyag ng Senador na mayroong inutusan umano si Benitez na nagtungo sa kaniyang opisina at nag-alok ng nasabing alokasyon.
Tiniyak ni Lacson na kaniyang isasawalat pa ang ibang mga detalye nito kapag tinalakay na ang usapin ng budget ng TESDA.










