Patuloy ang suporta ng Alpha Phi Omega Pangasinan sa mga programa at aktibidad na naglalayong makatulong sa mga kababayang nangangailangan ng dugo.

Ayon kay Bonifacio Domantay, President ng Alpha Phi Omega Pangasinan, mahalaga ang mga bloodletting activity dahil may mga pasyenteng nangangailangan ng dugo, partikular ang mga sumasailalim sa operasyon dahil sa kanilang karamdaman.

Suportado rin umano ng grupo ang bloodletting project ng Bombo Radyo Philippines Foundation Incorporated, na makatutulong sa pagtugon sa pangangailangan sa dugo para sa mga pasyente.

--Ads--

Nanawagan naman si Bonifacio Domantay sa mga kababayang nais at kwalipikadong mag-donate ng dugo na makiisa sa naturang bloodletting activity.

Ayon sa kanya, mahalaga ang bawat donasyon upang makatulong sa mga pasyenteng nangangailangan ng dugo, lalo na ang mga sumasailalim sa operasyon dahil sa kanilang karamdaman.

Gaganapin ang bloodletting activity sa Nobyembre 14 sa Nepo Mall, Dagupan City, kung saan hinihikayat ang publiko na makiisa at magbigay ng tulong sa mga kababayang nangangailangan ng dugo.