Nagbukas ang Pamahalaang Bayan ng Mapandan katuwang ang ng isang upang tulungan ang mga mamamayan sa kanilang mga tax-related concerns.

Isasagawa ang naturang serbisyo sa Mapandan Municipal Hall mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon sa mga itinakdang petsa na Marso 12, 19, 26, at 28, taong kasalukuyan.

Layunin ng Tax Assistance Center na gawing mas madali para sa mga residente ang pag-aasikaso ng kanilang mga kinakailangang dokumento at iba pang transaksyon na may kaugnayan sa buwis.

--Ads--

Kabilang sa mga serbisyong maaaring i-avail ng mga pupunta ang assistance sa filing ng Income Tax Return, Information Returns at eAFS, TIN issuance, business registration requirements, update of registration, at Online Registration and Update System o ORUS.

Hinihikayat naman ng lokal na pamahalaan ang mga mamamayan na magpunta nang maaga at dalhin ang kanilang mga kinakailangang dokumento upang maging mabilis at maayos ang proseso ng kanilang mga transaksyon.