‎Makikiisa ang Dagupan City Finist Eagles Club sa yearly blood-letting program ng Bombo Radyo Philippines na Dugong Bombo, na may temang A little pain, a life to gain.
‎
‎Gaganapin ang aktibidad sa Nobyembre 14, 2026 sa Nepo Mall, Arellano Street, Dagupan City, kung saan inaasahang dadalo ang mga donor mula sa iba’t ibang grupo at organisasyon.
‎
‎Ayon kay Joan C. Dizon, presidente ng Dagupan City Finist Eagles Club, hindi nagdalawang-isip ang kanilang grupo na sumali, dahil bahagi ng mandato ng mga Agila ang pagtulong at pagbibigay ng serbisyo sa kapwa.
‎
‎Ipinaliwanag ni Dizon na hindi ito ang unang pagkakataon na nag-donate ng dugo ang kanilang grupo sa Region 1. Aniya, sa kanilang karanasan, may mga kakilala silang nangangailangan ng dugo para sa emergency, kaya mahalagang may nakahandang supply na maaaring makasagip ng buhay.
‎
‎Ibinahagi rin niya ang kaniyang unang karanasan sa pagdo-donate. Aniya, noong una ay natakot siya na baka mahimatay, pero napagtanto niya na napapalitan naman ang dugo at higit na mahalaga ang pakiramdam na may matutulungan ang kaniyang ibinigay na dugo.
‎
‎Sa kanilang club, tinatayang 85 porsyento ng mga miyembro ang willing mag-donate, Sa kabila nito, patuloy ang kanilang pakikiisa sa programa.
‎
‎Hinikayat ni Dizon ang kaniyang mga kapwa Agila at iba pang organisasyon sa lalawigan na suportahan at makiisa sa Dugong Bombo, dahil nationwide ang programa at malaki ang maitutulong nito sa mga nangangailangan ng dugo sa buong Pilipinas.