Dagupan City – Agad na umaksyon ang Philippine National Police sa pamamagitan ng PNP Binmaley Municipal Police Station kaugnay ng naganap na hit-and-run incident sa bayan ng Binmaley.
Sa tulong ng mabilis na koordinasyon sa mga saksi at agarang pagsasagawa ng imbestigasyon, natunton ng kapulisan ang pagkakakilanlan ng suspek upang mapanagot ito sa ilalim ng umiiral na batas.
Patuloy namang nananawagan ang PNP Binmaley sa publiko na makipagtulungan at agad magsumbong ng anumang insidente upang mabigyan ng kaukulang aksyon.
--Ads--
Binigyang-diin ng kapulisan na nananatiling pangunahing prayoridad ang kaligtasan at kapakanan ng mamamayan at hindi nila hahayaang makalusot ang sinumang lalabag sa batas










