Patay ang apat na katao matapos ang pagsabog ng pagawaan ng paputok sa bayan ng Malasiqui sa lalawigan ng Pangasinan.
Kinumpirma ni Malasiqui Vice Mayor Daria Dolores Mamaril, ang nasabing pagkasawi ng mga biktima na naganap dakong ala-7:30 ng gabi nitong Miyerkules, obyembre 4.
Kabilang sa nasawi ang pitong taong-gulang na bata at mayroong isang nawawala.
Nadamay din sa malaking sunog ang isang sasakyan na nakaparada malapit sa lugar.
Base sa inisyal na imbestigasyon, nakarinig ng malakas na pagsabog ang kalapit na barangay na Tabo Sili at Calbueg bago naganap ang sunog.
Matatagpuan ang nasabing iligal na pagawaan ng paputok sa boundary ng nasabing barangay.
Ginamit na pagawaan ng paputok ang abandonadong piggery na nirentahan ng mga biktima para sa paggawa ng paputok.
Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga otoridad ukol sa nangyaring insidente.










