Dagupan City – Matagumpay na naaresto ng mga tauhan ng Dagupan City Police Office (DCPO) ang isang suspek sa panghoholdap sa isang manhunt operation sa Brgy. Caranglaan noong Biyernes, Pebrero 13, 2026.

Sa ilalim ng direktang pangangasiwa ni City Director PCOL Arnold P Solomon, pinagsanib na pwersa ng Police Station 2, City Investigation and Detective Management Unit (CIDMU), at City Intelligence Unit (CIU) ang nagsilbi ng Warrant of Arrest laban sa isang residente ng nasabing barangay.

Inaresto ito sa bisa ng Warrant of Arrest para sa Robbery in an Inhabited House, na may petsang Pebrero 9, 2026. Nagrekomenda ang korte ng bail bond na Php 48,000.00 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

--Ads--

Idinokumento ang operasyon gamit ang Body-Worn Camera (BWC) at Alternative Recording Device (ARD) habang pinabatid din sa suspek ang kanyang mga karapatang konstitusyonal sa wikang Tagalog at sumailalim siya sa mandatory medico-legal examination sa Region 1 Medical Center Annex bago ikulong.

Samantala, Ang suspek ay kasalukuyang nakakulong sa DCPO custodial facility para sa dokumentasyon at tamang legal na disposisyon.