Arestado ang isang regional top 8 most wanted person sa lungsod ng Dagupan dahil sa kasong statutory rape.
Ito ang kinumpirma ni PCpt. Eric Dela Cruz, Station Commander ng DCPO Station 2 kung saan ang suspek ay nanamantala sa kanyang pamangkin na anak ng kanyang kapatid na nakikitira sa bahay nito sa Barangay Pantal.
Aniya nang nagkatrabaho ang akusado bilang Jeepney Driver doon na siya umalis at doon na rin nagreklamo ang biktima na ginagalaw siya ng kanyang uncle.
Nangyari ang insidente sa Barangay Pantal ngunit nahuli ang suspek habang nagmamaneho ng jeep sa parte ng Barangay Mayombo.
Saad niya na ito na ang pangatlong top most wanted person na nahuli ng DCPO station 2 ngayong buwan ng Pebrero.
Kasalukuyang nakadetine ang suspek sa Dagupan City Police Office Main kung saan nahaharap sa siyam na counts ng statutory rape at walang bail ang kanyang kaso.
Muli naman nagpaalala ang PNP sa publiko, lalo na sa mga magulang, na bantayan ang kanilang mga anak na babae at turuan sila kung ano ang dapat at hindi dapat gawin.
Sa mga biktima, Kung may nararamdaman o na-experience silang hindi maganda, dapat nilang ipaalam sa kanilang mga magulang upang maaksyunan ng PNP.










