Mga kabombo! Nasubukan niyo na bang dumayo sa isang lugar na bago sa inyo?
O isa rin ba kayo sa mga sabik na mapuntahan ang mga sikat na tourist spot destinations?
Paalala lang na siguraduhin niyong tamang Tourist spot nga ang pupuntahan niyo.
Tila hiya kasi ang inabot ng dalawang German tourists sa Thailand matapos silang pumasok at umupo sa isang burol sa Nakhon Si Thammarat sa pag-aakalang isa itong restaurant.
Ayon sa ulat, sinundan lamang ng dalawa ang amoy ng masarap na pagkain mula sa pinapasyalan nilang night market at napadpad sa nasabing burol.
Hanggang sa nakita sila ng mga nakikiramay na nakaupo at tila naghihintay ng menu.
Dito na nilapitan ang dalawa na ang kanilang pinasukan ay hindi kainan kundi isang funeral service.
Ngunit imbis na hayaang umalis, inaccomodate na lang sila at sa katunayan ay inanyayahan pa silang manatili at pinakain ng iced milk at fried dough sticks.
Sa kultura ng mga Thai, lalo na sa mga probinsiya tulad ng Nakhon Si Thammarat, ang burol ay karaniwang ginaganap sa open area ng isang Bhuddist temple at bukas ito sa publiko, kung saan malayang dumalo ang mga taong gustong makiramay.
May mga mesa at upuan, at may libreng pagkain bilang bahagi ng merit-making o paggawa ng kabutihan para sa yumao.
Kadalasang naka-buffet style ang mga pagkain tulad ng kanin, ulam, kape, iced milk.
Sa taglay nitong welcoming atmosphere, madaling mapagkamalan ito ng mga dayuhan bilang restaurant, lalo na kung katabi ng night market ang templo.
Ang nakakatawa, tila naging “hotspot” ang nasabing burol dahil makalipas ang dalawang araw, may grupo naman ng Dutch travelers ang pumasok doon at nagtanong kung nagse-serve ba sila ng cocktails sa pag-aakalang isa itong resto-bar.










