Dagupan City – Kapwa tatangkaing kunin ang panalo ni Manny Pacquiao vs Mario Barrios ang marka sa kasaysayan sa kanilang laban para sa World Boxing Council welterweight belt.
Target kasi ngayon ng 46-anyos na si Pacquiao na maging oldest WBC welterweight champion at kauna-unahang Hall of Fame inductee na muling nagkampeon matapos magretiro.
Habang si Barrios ay hindi lamang madepensahan ang kanyang posisyon kundi pati na rin ang karangalan na makatalo ng isang boxing legend – ang bukod tanging eight-division world champion sa kasaysayan.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Marissa Pascual – Bombo International News Correspondent sa USA ibinahagi naman nito ang pagkasabik ng mga Filipino community sa nalalapit na laban.
Tinawag pa niya itong “battle of season of experience at fighter of this generation” dahil nasa 16 taon ang kanilang pagitan sa edad.
Sa ngayon ang Filipino community ay mayroon ng paperview para makapanood din ng live sa kaganapan.