Mga kabombo! Gaano katindi ang iyong lolo? Kaya niya ba mahigitan ang isang lolo sa Western Australia na kayang-kaya pa rin gumawa ng mga matitinding tricks gamit ang isang mobility scooter.
Viral sa social media ang video ng isang 52 taon gulang na lolo na si Gavin.
Sa video ay makikitang ginagawa niya ang mga tricks na “doughnuts” at “wheelies” sa kaniyang scooter sa Mandurah skate Park.
--Ads--
Maraming mga netizens ang humanga at namangha sa talento na naipakita ni Gavin.
Higit naman niyang ikinatuwa ang mga reaksyon ng netizens at aniya, wala nang hihigit sa mga ito.
Halos umabot naman sa 1-million views ang viral video ni Gavin.