DAGUPAN CITY- Nagsisimula na rin na tumanggap ng advanced booking ang ilang terminal ng bus dito sa lungsod ng Dagupan para sa nalalapit na Semana Santa.

Ayon kay Terminal master Jose Taruc Sison, nagsaagwa na sila ng pagpupulong kasama ang kanyang mga drivers at kondoktor para sa mga dapat isaalang ala sa kanilang paglalakbay o pagbyahe.

Aniya, ngayon pa lamang ay binibigyan na ng sapat na pahingan ang mga ito nang sa gayon ay hindi sila mapapagod o mahihirapan kapag nagsimula nang dumagsa ang mga pasahero.

--Ads--

Bukod dito ay alam na rin naman ng mga driver at conductor ang kanilang responsibilidad lalo na sa mga ganitong panahon.

Panawagan naman nito sa mga pasahero na iwasan ang pagdadala ng maraming bagahe o kung hindi naman kinakailangan lalo na kung malayo ang kanilang pupuntahan.