Magsasagawa ng Blood Donation Activity ang Rural Health Unit I (RHU I) ng lokal na pamahalaan ng Lingayen sa Disyembre 2, 2026, upang makahikayat ng mga boluntaryong donor at makatulong sa pangangailangan ng dugo ng mga pasyente.

Gaganapin ang aktibidad sa Dela Cruz Auditorium ganap na alas-8 ng umaga.

Inaanyayahan ng RHU I ang publiko, partikular ang mga nagnanais maging blood donor, na makiisa sa nasabing gawain bilang bahagi ng pagsusulong ng boluntaryong pagdo-donate ng dugo.

--Ads--

Layunin ng aktibidad na makatulong sa pagtiyak ng sapat na suplay ng dugo para sa mga nangangailangan nito, gayundin ang pagpapalaganap ng kamalayan tungkol sa kahalagahan ng regular na blood donation.

Sa pamamagitan ng simpleng pagbibigay ng dugo, maaaring makatulong ang bawat donor na makapagligtas ng buhay at makapagbigay ng pag-asa sa mga pasyenteng nangangailangan ng agarang pagsasalin ng dugo.