Inamin ng anak ni Pokwang na si Mae na nagalit siya kay Lee O’Brian, ang dating partner ng kaniyang ina na si Pokwang, dahil sa ginawang pananakit umano nito sa aktres.
Pagbabahagi pa nito, nais din siyang palayasin ni Lee nang bigla siyang mabuntis noong 2020 na panahon ng pandemic.
Inihayag ng aktres ang paghingi niya ng paumanhin dahil nadamay ito sa gusot ng pakikipagrelasyon niya kay Lee ang kaniyang anak na si Mae.
Ayon kay Mae, nagalit siya kay Lee dahil hindi ito tumupad sa usapan nila na hindi nito sasaktan ang kaniyang ina. Nangako naman umano si Lee na hindi nito sasaktan si Pokwang pero hindi nito tinupad ang pangako.
Gusto rin daw siyang paalis ni Lee sa bahay nang mabuntis siya noong 2020.
Samantala, matatandaan na noong diseymbre 2023, nanalo si Pokwang sa deportation case na inihain niya kay Lee, at napaalis ito sa bansa noong nakaraang Abril