Tila muling nagpakilig sa mga nitizens ang usap-usapang loveteam ngayon sa Hello, Love, Again na sina Alden Richards at Kathryn Bernardo.
Ito’y matapos nilang kumpirmahin na parehas na naniniwala ang mga ito sa ideya ng pagbibigay ng pangalawang pagkakataon o second chance.
Sa ginanap na grand mediacon ng Hello, Love, Again, natanong ang dalawa kung naniniwala ba silang maaari pang magbago ang isang taong nakagawa sa kanila ng kasalanan kung bibigyan nila ito ng second chance.
Dito sinabi ni Alden na ang lahat ng tao ay nagkakamali kaya’t handa siyang magbigay ng isa pang chance sa taong deserve itong makuha.
Sumang-ayon naman si Kathryn sa sinabi ni Alden, lalo na’t lahat daw ng tao ay hindi perpekto at madalas na nagkakamali.
Dito sumakto ang usap-usapan ngayon na lahat ng tao ay maaaring magbago kung bibigyan ang mga ito ng pangalawang pagkakataon.
Ngunit nilinaw ng actress na hindi ibig sabihin na bukas ito sa posibilidad ng second chance ay nag-a-apply na rin ito sa iba. Aniya, nakadepende pa rin ito sa sitwasyon at tao ang pagbibigay nila ng pangalawang pagkakataon.
Sa huli, nanindigan ni Kathryn na hindi obligasyon ng isang tao ang magpatawad at magbigay ng second chance lalo na kung ayaw niya at hindi siya handa.
Samantaka, base naman sa inilabas na official trailer ng upcoming movie nilang Hello, Love, Again, ang sequel ng box-office hit na Hello, Love, Goodbye noong 2019, mapapanood ang paghingi ng second chance ng karakter ni Alden na si Ethan sa dati nitong karelasyon na si Joy o si Kathryn sa muli nilang pagkikita matapos ang ilang taon.