Ipinaramdam ni AJ Raval sa kaniyang nobyong si Aljur Abrenica ang kaniyang suporta sa pamamagitan ng kaniyang social media post. Ito’y matapos na mag-post ang aktor ng saloobin kung gaano siya kasuwerte sa nobya.

Sa post ng aktor, ibinahagi ni Aljur ang mensahe para kay AJ kung gaano niya ito kamahal at kung gaano ito kaswerte sa nobya.

Dito na rin umano nagpost si Aj sabay diin na alam nito ang totoong nangyari sa buhay ni Aljur, at naiintindihan niya ito.

--Ads--

Binigyang diin din nito ang pagdarasal na lamang umano nilang dalawa hinggil sa mga taong inilarawan niya bilang “mapang-api at mapanghusga.”

Samantala, agaw-pansin din ang post nito sa kanyang social media Story noong October 8 tungkol sa “no revenge.”