DAGUPAN CITY- Natagpuan ang wala nang buhay na katawan ng isang 64 anyos na magsasaka sa lungsod ng San Carlos sa ilalim ng puno ng mangga sa sakahan nito.

Ayon kay PLt. MC Kinley Mendoza, Public Information Officer ng San Carlos City PNP, kinilala ang biktima na si Francisco Solis, residente ng Purok 2, Brgy. Lilimasan, sa naturang lungsod.

Aniya, kinaumagahan kahapon ay hinahanap ang biktima ng kaniyang anak na si Lea Solis, 18 anyos, isang estudyante dahil hindi umano ito nakauwi noong gabi. Ngunit, nag dumako ito sa sakahan ng kaniyang ama ay natagpuan na lamang ito sa ilalim ng nasabing puno habang katabi ang pala at kalaykay nito.

--Ads--

Ayon naman sa isa pang magsasaka, huli nitong nakita ang biktima 4:30 PM noong Hunyo 18 na nagbubungkal sa sakahan nito.

Sinabi naman ng pamilya ng biktima na nag-gagamot ito dahil may iniinda itong hypertension.