Ikinalungkot ng mga fans ang pagkamatay ng isang Turkish social media influencer na sumikat matapos pakasalan ang sarili noong 2023.

Nahulog si Kubra Aykut, 26, mula sa ikalimang palapag ng kanyang apartment sa exclusive Hasanpasa neighborhood sa Sultanbeyli district sa Istanbul, Turkey.

Dinala ng mga pulis ang kanyang katawan sa isang private hospital para magsagawa ng post-mortem.

--Ads--

Isang suicide note ang natagpuan sa katawan ng dalaga.

Bago ang trahedya, ikinabahala ng fans ng Turkish TikToker ang kanyang pinakahuling post.

Mababasa sa post na nangangamba si Kubra sa kanyang timbang. Patuloy raw kasi ang kanyang pagpayat at hindi na nito alam ang gagawin.

Ang pinakahuling post ni Kubra ay video niya na nililinis ang kanyang apartment.

Si Kubra ay may 1 million followers sa TikTok at higit 200,000 followers sa kanyang account.

Matatandaan sumikat ito matapos pakasalan ang sarili noong 2023, suot ang laced-white gown, tiara at gold jewelries.

Pinag-isipan ni Kubra ang kanyang solo wedding kung saan siya mismo ang nagmaneho ng wedding car.