DAGUPAN CITY- Hindi nakikita ni Ibon Foundation Executive Director Sonny Africa na ‘achievement’ ng bansa ang tinatayang pagtaas ng ranggo sa upper income status sa taong 2027.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan sakaniya, pagtakda lamang ito ng World Bank sa sisingiling interes sa mga bansa subalit, wala naman itong kinalaman sa lagay ng mga ordinaryong mamamayan.
Aniya, hindi nila nakikita ang saysay nito dahil hindi naman suntok sa buwan na maabot ang naturang ranggo subalit wala naman itong epekto sa pamumuhay ng mamamayang Pilipino.
Gayunpaman, sa tatlong taon ng pamumuno ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay lalo lamang dumami ng higit tatlong milyon ang bilang ng mga naghihirap na Pilipino.
At kung hindi pa rin magbabago ang patakaran sa ekonomiya ay walang magagawang progreso sa nalalabing tatlong taon ng pamumuno nito.
Subalit, hanggang sa ngayon ay puro na lamang mga ‘bond-aid solution’ ang ginagawa ng pamahalaan kaya hindi natutugunan ang krisis sa ekonomiya.
Ito rin aniya ang isa sa mga dahilan kung bakit marami pa rin Overseas Filipino Workers (OFW) sa Israel ang hindi pa rin gustong umuwi sa bansa kahit pumuputok na ang matinding kaguluhan.