Dagupan City – Nakahanda na ang terminal bus sa syudad ng Dagupan sa pagdagsa ng mga pasahero ngayong nalalapit na Undas 2024.
Ayon kay Terminal Master Melchor Lopez, nagsagawa na sila ng quality inspection para makamit ang inaasam na road worthy.
Dagdag pa rito, may maintenance department na rin ang naglibot at nagsagawa ng inspeksyon para masiguro ang kaligtasan ng mga pasahero.
Kaugnay nito, pasado rin ang mga babiyaheng pet-lover dahil bukas ang bus sa pagsasakay ng mga alagang hayop hangga’t pasok naman ito sa standard, gaya na lamang ng tamang laki, naka-diaper at handa ring bayaran ang pamasahe.
Samantala, sa kabila namang pagdagsa ng mga pasahero, nasa 10 minuto lang naman aniya ang inaasahang time interval ng mga ito.
Tiniyak naman ni Lopez na isang linggo pa lamang bago sumapit ang undas ay nakahanda na ang mga crew at drivers.
Pinayuhan naman niya ang mga daraan sa lungsod na hangga’t maari ay magbaon ng pasensya at maghanda dahil on-going pa rin ang konstruksyon ng kakalsadahan sa lungsod.