BOMBO DAGUPAN – Humakot ng 23 milyon views sa iba’t ibang digital platforms sa loob lamang ng walong araw ang teaser trailer ng reunion project  ni Joshua Garcia at Julia Barreto, na ipapalabas sa mga sinehan sa buong bansa ngayong Agosto 14.

Sa kanilang teaser trailer ay makikita ang mga matatamis na alaala ng mga karakter nina Joshua (Juancho) at Julia (Zy) pati na ang kanilang nakakadurog na breakup na sinabayan pa ng Paubaya ni Moira dela Torre bilang background music.

Umani naman ito ng iba’t ibang komento sa mga netizens at dama rin online ang excitement ng fans na nag-aantay sa premiere ng pelikula sa sususnod na buwan.

--Ads--

Kaugnay nito ay nagbahagi din ang dalawa ng ilang behind-the-scenes na larawan sa kanilang paparating na pelikula sa kani-kanilang social media account.

Matatandaan na taong  2019 inanunsyo nina Joshua at Julia ang kanilang breakup  pagkatapos mag-date ng dalawang taon.