DAGUPAN CITY- Hindi kulang ang suplay ng bangus sa lalawigan ng Pangasinan, bagkus nililimitahan lamang ang paghuli nito dahil sa pagbawas ng mga byaherong bumibili ng kanilang huling isda.
Ayon kay Christopher Aldo Sibayan, Presidente ng Samahang Magbabangus sa Pangasinan, sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan, nagsagawa na ng “anticpatory harvest” ang mga magbabangus nitong nakaraang holy week.
Aniya, huminto lamang ang magkakasunod na pag-harvest noong biyernes santo kung kailan ipinahinga ng mga nagbabangus dahil na rin sa walang byaherong mamimili ng kanilang isda.
Pinabulaanan niya na hindi nagkukulang sa suplay ng bangus sa lalawigan, bagkus, dinagsa ang mamimili nito kamakailan.
Nabawasan lamang din ang pagbyahe ng mga namimili dulot ng pagtaas sa presyo ng petrolyo.
Inuunti-unti rin ang pag-harvest ng mga bangus upang hindi ito lamang ito maipon sa konsignation at kanilang ikalugi.
Samantala, sinabi ni Sibayan na may kakulangan ang gobyerno upang tugunan ang krisis sa bansa, partikular na sa mga tulong para sa mangingisda.
Aniya, patuloy ang kanilang paghihintay sa pamamahagi ng ayuda at sabsidiya para sa hanay ng magbabangus.










