Kinumpirma na ni Shiela Guo, kapatid ng dismissed mayor ng Bamban, Tarlac na si Alice Guo sa pagdinig ng Senado ngayong araw na tuluyan nang nakaalis ng bansa si Guo.

Ito’y matapos na magsalita si Shiela nang tanungin ni Sen. Risa Hontiveros kung paano nakaalis sa bansa, sinabi nito na sumakay sila gamit ang isang maliit na fishing boat saka lumipat sa mas malaking barko papuntang Malaysia.

Ngunit bago pa man makasakay ng bangka, sinabi ni Shiela na sinundo siya at mga kapatid niyang sina Wesley at Alice ng isang puting van sa kanilang bahay.

--Ads--

Samantala hinihinalang galing naman sa Luzon ang siyang naging daan ng mga ito. Ani Shiela, sakay ng barko ang mga kapatid na sina Alice Guo at Wesley Guo.