BOMBO DAGUPAN – Nanaksak ang isang Person with disability o PWD sa kapitbahay nito na walang anumang kadahilanan sa Micua compound sa Barangay Bacag, sa bayan ng Villasis, Pangasinan.

Ayon kay Pmaj. Edgar Allan Serquina, chief of police sa Villasis PNP, kinilala ang biktima na si Leonardo Micua Calanno, 40 taong gulang, manggagawa sa konstruksyon, habang ang suspek naman ay si Sanny Micua Ramos, 53 taong gulang, isang PWD, parehong residente ng nasabing barangay.

Lumalabas sa kanilang imbestigasyon na pumunta ang suspek sa bahay ng biktima at niyaya ang biktima na uminom ng alak pero tinanggihan ng biktima dahil mayroon siyang dinaramdam.

--Ads--

Makaraan ang ilang minuto na pagtatambay nito sa bahay nila ay biglang bumunot ng kutsilyo at walang sabi sabi ay sinaksak ang biktima.

Walang dahilan ng suspek nang tanungin siya ng mga otoridad bakit nagawa niya ang pananaksak.

May diprensya umano sa pag iisip ang suspek at bihira na lumabas ng bahay kaya nagtataka ang mga kapitbahay na lumabas ito at nakainom pa.