Dagupan City – Patuloy pa rin ang pagtaas ng presyo ng ilang mga pangunahing bilihin sa palengke ngayong holiday season, gaya na lamang ng pagtaas ng presyo at demand sa karne ng baboy.

Ayon kay Danny Caldona – Presidente ng mga Meat Vendor ng Mc Adore Public Market sa lungsod ng Dagupan, tumaas ang presyo ng karne ng baboy ng P15.

Aniya, dahil ito sa pagtaas ng presyo ng carcass, at ang dagdag presyo sa merkado na P20.

--Ads--

Kung saan ang presyo ng laman ng karneng baboy ay nasa P330 per kilo, P350 hanggang P360 naman ang isang kilo ng liempo habang ang pata at ribs naman ay nasa P300 per kilo.

Aniya na sa mga nakaraang buwan, mahina na ang kitaan nila hanggang sa kasalukuyan.