Walang naitalang malaking pinsala sa mga pananim dito sa lalawigan ng Pangasinan maliban lang sa mga nasa mabababang lugar.
Ayon kay Engr. Cipriano Yabut, chief ng Agno-Sinucalan River Irrigation System bagamat may mga ilang pananim na lumubog pero dahil hindi na nagtuloy tuloy ang ulan na nagdadala ng tubig baha ay makakahabol din aniya sa pagtubo ang mga ito.
Sa kanilang monitoring, nasa 242.37 ang water level sa San Roque Dam na malayo pa sa spilling level.
Sinabi ni Yabut na mula ng madaling araw nitong Lunes ay isimara nila ang main gate ng dam para hindi magdulot ng malaking baha.
Paliwanag naman ni Yabut na sakaling umabot sa spilling water level ang San Roque dam ay dederetso sa Agno River kung saan dadaan sa mga bayan ng Santa Maria, Rosales, Bayambang hanggang sa Lingayen Gulf.