Dagupan City – Umaasa ang pamilya ng isang Pilipino na hinahanap sa Myanmar na nasa ligtas ng kalagayan kasama ang asawa nito matapos ang 7.7 magnitude Earthquake.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Hermosila Adalid, tubong Negros Oriental at ina ni Edsil Adalid, music teacher doon na patuloy silang naghihintay ng magandang balita

Pagbabahagi nito na parehong guro ang anak nito at kanyang asawa na si Alexis Gail Adalid na nagtuturo sa Mandalay International School of Acumen o MISA na isa sa mga gumuhong gusali .

--Ads--

Aniya, nakatira ang kanyang anak sa 9th floor ng Building B.

Ang huling balita nila na natanggap sa messenger ay narescue umano sila mula sa unit ng mag asawa at kasalukuyang nasa ospital.

Pero hindi na muna nagpapasok ng kahit sino ang ospital kaya hindi pa nila nakukuha ang pangalan ng mga dinala sa nasabing ospital.

Sa ngayon ay wala silang tigil sa pag hingi ng tulong sa kanyang mga co teachers at mga kaibigan upang makakuha ng karagdang impormasyon.