DAGUPAN CITY- Conservative man na bansa ang Sri Lanka, naibibigay pa rin ang pantay na pagtrato sa mga kababaihan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Priscilla Rollo Wijesooriya, Bombo International News Correspondent in Sri Lanka, bahagi na ng tradisyon ng bansa ang manatili lamang sa loob ng pamamahay ang asawang babae.

Gayunpaman, nabibigyan pa rin ang mga ito ng pagkakataon na makapagtrabaho sa loob o labas ng kanilang pamamahay.

--Ads--

May ilan na gumagawa ng mga produkto sa loob ng kanilang bahay, habang may ilan naman na pinipiling magtrabaho bilang pulis o empleyado ng gobyerno.

Bukas din ang bansa sa pag-first move ng mga babae hinggil sa panliligaw.

At sa pinansyal, may karapatan ang mga kababaihan na maghawak ng sarili nilang pera.

Subalit, hindi pa rin mawala sa bansa ang pang-aabuso sa mga ito kahit pa man pinaiigting pa ang proteksyon para sa mga kababaihan.

Samantala, hindi naman nalalayo sa Pilipinas ang selebrasyon ng Sri Lanka tuwing Mother’s Day.

Sa araw na ito, ipinapakita nila ang kanilang ‘appreciation’ sa kanilang mga nanay, katulad na lamang ng pagbibigay ng regalo.