DAGUPAN CITY- Itinuturing na isa sa mga bagay na dapat na bigyang pansin ay ang pagsisikap upang makuha ang pangarap sa buhay.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Alyna Kyla See, Top 8, Philippine Nurses Licensure Examination, hindi madali ang kaniyang journey upang maging isang ganap na registered nurse.

Aniya, hindi niya makakamit ang ganitong tagumpay kung wala ang kaniyang pamilya, kaibigan at mga mahal sa buhay na nakaagapay sa kaniya.

--Ads--

Hindi rin aniya madaling tapusin ang kaniyang kinuhang kurso dahil sa problemang pinasyal.

Naging malapit din siya sa nasabing propesyon dahil sa kaniyang mga naging kasanasan sa buhay.

Sa huli ay hindi siya tumigil hangga’t hindi niya naaabot ang kaniyang pangarap.

Mensahe naman nito sa lahat na patuloy lang na magsikap upang makamit ang pangarap sa buhay.