DAGUPAN CITY- Kabado man subalit, umaasa ang mga pamilya ng Extra-Judicial Killings (EJK) victims na papanig ang desisyon ng International Criminal Court (ICC) sa katotohanan ang isasagawang pagdinig bukas, April 22.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Jane Lee, naulilang asawa ni EJK victim Michael Lee, isang pagsugal para sa kanila ang patuloy nilang pagtindig na umayon sa kanilang panig ang kakalabasan ng pagdinig.
Aniya, sama-sama nilang babantayan ang nasabing pagdinig kasama ang mga human rights advocates.
Ibinahagi naman niya na nakatulong ang pagpapadala kay FPRRD sa ICC upang mabawasan ang kanilang nararamdaman na takot sa tuwing nagpapahayag sila hinggil sa usapin EJK.
Hiling nila na hindi makabalik pa ang dating pangulo sa bansa at tuluyang makulong sa ICC.
Samantala, sinabi ni Lee na hindi naging madali ang kanilang buhay simula nang mapaslang ang kaniyang asawa.
Isang umanong sakripisiyo ang pagsabayin niya ang pagbuhay sa kaniyang pamilya at makiisa sa manawagan na itigil sa hindi makatarungang pagpaslang.
At isang malaking pangamba para sa kanila na manumbalik ang EJK kapag magwagi si Vice President Sara Duterte sa 2028 Presidential Election.










