Mga kabombo! Gaano ka ba katiyaga? Kaya ba ng pasensya mo ang magchopstick ng butil ng bigas?

Paisa-isang kinain ng isang babae sa Bangladesh ang mga butil ng bigas gamit lamang ang chopstick.

Nakamit ni Sumaiya Khan, 24 taon gulang, ang isang world record nang magawa niyang kainin ang 37 na mga piraso ng bigas sa loob ng isang minuto.

--Ads--

Kwento niya na nagsimula ang kaniyang pagkahumaling sa paggamit nito ay noong naobsess siya sa pagkain ng ramen at sa pagkahilig niya sa kultura ng Korea. At dahil dito, ilang taon na siyang gumagamit ng chopsticks.

Gayunpaman, ideya umano ng kaniyang katrabaho ang sumubok sa Guinness Worlds of Records.

Naging madali naman para sa kaniyang mahigitan ang dating record na mayroong 27 bilang na butil ng bigas.