Hinihintay pa rin ng grupo ng sektor ng agrikultura ang mga ahenisya ng pamahalaan na bumuo na ng national council para tuluyan masugpo ang smuggling, hoarding, at profiteering.
Ayon kay Leonardo Montemayor Chairman, Federation of Free Farmers na sana ay mabuo na ito sa lalong madaling panahon upang may magsusupervise at magmamando sa pagsugpo ng mga ilegal na aktibidad.
Sa pamamagitan ng enforcement agency ay mas matutukan kung sino ang mga lalabag sa nasabing batas hinggil dito.
Bagama’t pinamumunuan ito ng Pangulo ay isa ito sa pinakaimportanteng probisyon maging isang magandang umpisa dahil ito ang magsisilbing mga ahensiya na nasa frontline.
At sa pamamagitan ng proper guidance at direction mula sa Pangulo ay magkakaroon ng mas magandang implementasyon lalo na ang gawing mas abot kaya ang presyo ng bigas.
Samantala, aniya ay hindi ito makakayanan ng Department of Agriculture ng mag-isa bagkus ay kinakailangan din ang tulong ng iba’t ibang ahensiya sa pagpapalakas ng monitoring na nais mangyari.
Bukod dito ay sang-ayon din siya sa pagkakaroon ng karagdagang pasilidad upang mapag-imbakan ng mga produktong agrikultural.