Bakit nga naman napakalaking halaga ang panukalang pambansang pondo ng Office of the Vice President para sa susunod na taon.

Saan nga ba talaga ilalaan ito kung ang iba nitong mga proyekto ay kasalukuyan ng ginagawa ng ilang ahensiya ng gobyerno.

Hindi lang si Senator Risa Hontiveros ang talagang mapapatanong kundi maging ang sambayanang Pilipino.

--Ads--

Dahil hindi naman siguro masama na marining at malaman ang malinaw na paglalaanan ng nasabing pondo.

Bagama’t galing yan sa kaban ng bayan, buwis yan ng ma Pilipino na kumakayod sa pang araw-araw. Umaasa na hindi mapupunta sa wala ang kanilang pinaghirapan.

Tama lang na dapat ito ay kuwestuyin, minsan na tayong nagbulag bulagan kaya’t panahon na para tayo naman ang bumoses.

Masyadong malaki ang higit sa 2 bilyong piso, masyadong malaking halaga para magkibit balikat lamang.

Sana ay maging malinaw kung para saan lahat ng mga ito, nang sa gayon ay alam natin kung saan mapupunta ang pera ng taumbayan.