BOMBO DAGUPAN- Nasawi ang isang lalaking nasa 30 anyos habang sugatan naman ang ilang mga biktima sa isang shooting incident sa isang Turkish Wedding sa North-east France.

Tatlo umanong armadong kalalakihan ang dumating sa reception venue sa Thionville at pinagbabaril ang mga dumalo.

Ayon sa mga otoridad, dumating umano ang mga ito upang tapusin ang hidwaan sa pagitan ng mga kilalang gang sa Moselle.

--Ads--

Kabilang sa mga nasugatan ang isang buntis na babae at nasa kritikal na kalagayan naman ang tatlo pang biktima na dinala sa Bel-Air hospital.

Ayon sa mga otoridad, nasa halos 100 ang mga dumalo sa naturang kasalan sa Eden Palace nang dumating ang mga armadong kalalakihan sakay ng isang 4×4 na sasakyan.