Tagumpay si Miss Vietnam Huynh Thi Thanh Thuy na maiuwi ang Miss International 2024 crown.
Ito ang unang pagkakataong nasungkit ng Vietnam ang korona sa Miss International pageant.
Bakas sa mukha ni Miss Vietnam ang lubos na saya nang tawagin ang pangalan niya at pasahan ng korona ni Miss International 2023 Andrea Rubio.
--Ads--
First runner-up si Camila Roca ng Bolivia, second runner-up si Alba Perez ng Spain, third runner-up si Sakra Guerrero ng Venezuela, at fourth runner-up si Sophie Kirana ng Indonesia.
Ang kinatawan ng Pilipinas na si Angelica Lopez ay bigong makapasok sa Top 20.
Ginanap ang Miss International 2024 sa Tokyo Dome City Hall sa Japan noong Lunes, November 12, 2024.