Mas maingat na raw ngayon si Miss Universe 2018 Catriona Gray kapag siya ay nasa labas.

Kasunod ito ng nangyaring pagnanakaw ng mga importanteng gamit sa loob ng kanilang sasakyan habang papunta sa airport sa London, England, noong August 31, 2024.

Pagbabahagi ni Catriona sa kanyang post noon na ang kanilang mga passport at mga gamit ay nawala lahat, dahilan upang siya ay mas maingat na sa ngayon.

--Ads--

Samantala, sa kanyang post naman nitong September 15, 2024, ibinalita niya na nakabalik na sila ng kanyang pamilya mula sa kanilang UK vacation.

Nagbahagi rin siya ng ilang tips sa mga bibisita sa London.

Ayon pa sa beauty queen, ang mga materyal na bagay ay napapalitan kaya ang pinakaimportante ay ang safety ng mga mahal sa buhay.

Kasamang nagbakasyon noon ni Catriona ang amang si Ian Gray at inang si Mita Gray.