Naglabas na ng pahayag ang chairman ng South Korean multinational entertainment corporation na HYBE sa pamamagitan ng kaniyang legal representative matapos itong mahainan ng arrest warrant dahil umano sa fraudulent trading.

Bagaman buong nakikipagtulungan si Bang Si Hyuk sa imbestigasyon, ikinalulumo ng kanyang kampo ang paghahain ng arrest warrant laban sa kaniya.

Nitong martes lamang nang hiniling ng Seoul Metropolitan Police Agency, sa pamamagitan ng Financial Investigation Division nito, ang nasabing warrant of arrest dahil sa di umano’y paglabag ni Hyuk sa Capital Markets Act.

--Ads--

Si Hyuk ay inaakusahan ng panloloko sa mga investors sa pamamagitan ng paghihikaat sa kanila na ibenta ang kanilang mga shares sa isang partikular na private equity fund matapos niyang sabihin na walang plano para sa isang IPO bago ang pampublikong paglista ng HYBE noong 2019.