Inilahad ng CENRO Dagupan City ang mga pangunahing aktibidad para sa Environment Month ngayong buwan.
Ayon kay Engr . Noriel G. Nisperos, CENRO Officer sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan, kabilang sa kanilang mga upcoming activities ay tree-planting activities kasama ang ibat ibang organizations at stakeholders na isasagawa sa June 20, 2026 sa Magtaking Elementary School at Polong Elementary School gayundin sa ACE Medical Center sa June 23, 2026, tree-planting activity sa June 25 sa bayan ng Bugallon bilang bahagi ng selebrasyon ng Philippine Arbor Day , tree-planting activity sa June 26, 2026 kasama ang PRC at Handog Titulo program and CENRO SWIFT (mini permitting on wheels) na gaganapin naman sa June 24, sa bayan ng San Jacinto.
Sinabi pa ni Nisperos na tinutukan ng CENRO Dagupan ang mga coastal areas at mangrove planting sa limang (5) bayan at siyudad sa buong nasasakupan ng kanilang opisina na kinabibilangan ng bayan ng San Fabian, Binmaley, Lingayen, Labrador at lungsod ng Dagupan.
Samantala, binigyang diin niya na ang pagtatanim ng mga bakawan o mangroves ay napakahalaga dahil ang mga mangroves ay nagsisilbing unang depensa’ o natural barrier laban sa matitinding bagyo, storm surge, baha at maging sa soil erosion o ang pagkasira ng ating mga baybayin.
Dagdag pa niya na ang mahalaga rin ang pagtulungan ng iba’t ibang sektor dahil ang pangangalaga sa kalikasan ay hindi kayang gawin ng DENR nang mag-isa lang.
Ito ay laban at responsibilidad ng bawat isa sa atin.










